Phivolcs

Magnitude 5.9 lindol yumanig sa N Samar

167 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.9 ang yumanig sa Northern Samar hapon ng Biyernes, Disyembre 9.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-2:33 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 105 kilometro sa silangan ng bayan ng Mapanas at may lalim na 38 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – Mapanas and Palapag, Northern Samar

Intensity II – Rosario and San Roque, Northern Samar; Prieto Diaz at Bulusan, Sorsogon

Intensity I – Legazpi City at Tabaco, Albay; Mercedes at Daet, Camarines Norte; Pili, Camarines Sur; Hernani at Can-Avid, Eastern Samar; Hilongos, Dulag, Kananga, Abuyog, Alangalang at Baybay, Leyte.