Calendar
Magsasaka nakapagbenta ng P2.5M halaga ng sibuyas sa tulong ng DA
NATULUNGAN ng Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magsasaka para makapagbenta ng P2.5 milyong halaga ng sibuyas.
Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos, iniugnay ng DA ang mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa merkado kung saan maaaring ibenta ang kanilang produkto.
Ayon sa DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), umabot sa P2.589 milyon ang naibentang sibuyas mula Setyembre 2022 hanggang Enero 24, 2023.
Upang matulungan ang mga magsasaka, tumulong ang DA na madala ang kanilang mga produkto sa merkado.
Nagbigay din ang DA ng tulong at pagsasanay sa mga magsasaka upang mapalaki ang kanilang produksyon.
Matatandaan na binuhay ni Pangulong Marcos ang Kadiwa project kung saan makabibili ng mga produkto na mas mura ang presyo kumpara sa ibang pamilihan.
Dito nakapagbebenta ang mga magsasaka ng hindi dumadaan sa mga middle man kaya mas mura itong nabibili ng publiko.