Mananaya sa Isabela nanalo ng lotto jackpot

130 Views

ISANG mananaya sa Tumauini, Isabela ang nanalo ng jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Pebrero 2.

Batay sa rekord ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ito ang ikalawang sunod na araw na mayroong nanalo ng jackpot prize ng lotto.

Ayon sa PCSO isa lang ang tumaya sa winning number combination na 02-27-16-29-04-19.

Nanalo naman ang 81 mananaya ng tig-P24,000 matapos na makuha ang lima sa mga numerong lumabas.

Tig-P800 naman ang tinamaan ng 2,873 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 ang 34,899 mananaya na nakatatlong numero.

Noong Pebrero 1, dalawa ang nanalo ng P73.48 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45.