Magsino

Magsino nanindigan vs e-sabong

Mar Rodriguez Aug 13, 2024
114 Views

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด e-s๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—บ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—ฃ๐—”๐—š๐—–๐—ข๐—ฅ) ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ผ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ (๐—ฃ๐—ข๐—š๐—ข).

Binigyang linaw ni Magsino na hindi aniya nagbabago ang kaniyang posisyon at paninindigan sapagkat magpahanggang ngayon ay mahigpit nitong tinututulan ang paniniwala ng PAGCOR na puwedeng maging kapalit ng POGO ang E-Sabong sa aspeto ng pangangalap ng malaking ganansiya o kita.

Naglabas ng video statement si Magsino upang linawin ang ilang issues at mga intrigang ipinupukol laban sa kaniya matapos ang ginawa nitong pagtatanong sa PAGCOR kaugnay sa isinagawang budget briefing ng nasabing ahensiya sa Kamara de Representantes.

Ipinaliwanag ng OFW lady solon na dapat iwasan ang lahat ng illegal na gawain katulad ng e-sabong na batid naman aniya ng lahat ng mamamayan ang masama at negatibong epektibo na idinudulot nito sa lahat ng mga taong nalululong dito gaya ng pagkalubog sa napakalaking utang at pagka-bangkarote.

“Unang-una po ipinapa-alam ko po sa inyo na ang inyong lingkod ay hindi gusto at mahigpit na tumututol sa e-sabong. Basta lahat po ng illegal na gawain ay dapat po nating iwasan dahil nakakasira po ito ng ating buhay,” ayon kay Magsino.

Ayon pa kay Magsino, ang kaniyang pagtatanong sa budget briefing ng PAGCOR ay paglilinaw lamang dahil nais umano nitong malaman ang mga ipinapatupad na patakaran at polisiya ng nasabing ahensiya patungkol sa mga online gaming na pinagkukuhanan ng PAGCOR ng pondo.

Pagdidiin pa ng kongresista na nais lamang ng OFW Party List na mabigyan ng kaukulang solusyon ang pangangalap ng pondo ng PAGCOR sapagkat layunin nilang matulungan ang pamahalaan sa aspeto ng pangangalap ng revenues na makakatulong ng malaki para sa mga isinusulong nitong programa.

“Ang ating pagtatanong ay clarification lamang dahil nais natin na makatulong sa pamahalaan sa mga pamamaraan para pagkuhanan ng pondo. Gustong gusto po natin na mabigyan ng solusyon para makatulong tayo sa pamahalaan na makakalap ng pondo para sa mga proyektong isinusulong nito,” sabi pa ni Magsino.