Magsino1

Magsino, walang “masamang tinapay” sa Korean firm na MIRU Company Ltd.

Mar Rodriguez Aug 27, 2024
76 Views

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗸𝗮𝘆 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗞𝗼𝗿𝗲𝗮𝗻 𝗳𝗶𝗿𝗺 𝗻𝗮 𝗠𝗜𝗥𝗨 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆, 𝗟𝘁𝗱. 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗱𝗱𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖) 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗺𝗶𝗱-𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗮𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗺𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀.

Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Magsino na sa kaniyang palagay naging maayos naman ang isinagawang bidding ng COMELEC kung saan ang MIRU Company ang nanalong bidder para magbigay ng serbisyo sa 2025 elections.

Paliwanag pa ni Magsino na sa gitna ng samu’t-saring kontrobersiya na ipinupukol ng ilang sektor laban sa MIRU Company, sa palagay nito ay wala naman naging hokus-pokus o kaya ay anomalya sa naturang bidding sa pamamagitan ng 110, 100automated machines na nagkakahalaga ng P17.9 billion sa kabuuan.

“Sa aking palagay, maayos ang naging proseso ng bidding ng COMELEC para sa automated machines na gagamitin sa 2025 elections sa halagang P17.9 billion para sa 110,100 na makina ng MIRU Company. In fact naka-attend ako sa ilang stages ng bidding process at wala naman akong nakitang problema,” wika ni Magsino.

Pagdidiin ng kongresista na personal din nitong dinaluhan ang ilang bahagi ng “bidding process” ng COMELEC kung saan kitang-kita at malinaw na ang MIRU Company talaga ang nanalong bidder sa kabila ng pag-aalboroto at pagre-reklamo ng SMARTMATIC kasunod ng paghahain nito ng reklamo sa Korte Suprema.

Ayon sa OFW Party List Lady solon, naipakita rin ng Joint Venture (JV) ng MIRU Company ang mga sapat na “security at transparency feautures” ng kanilang mga makina para sa Full Automation System with Transparency Audit / Count (FAStrAC) mchines kaya sa kaniyang palagay ay walang magiging gusot o problema sa pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Magsino na mismong ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) na ang nagpapatotoo at nagpapatibay na maayos at organisado ang isinagawang bidding process ng COMELEC.

“Ang NAMFREL din ang nagsabi na COMELEC exercised due diligence sa proseso ng bidding. NAMFREL na ang nagsasalita kaya walang duda na maayos ang bidding process,” sabi pa ni Magsino.

Gayunman, umaasa si Magsino na hindi makakaabala sa 2025 elections ang isinampang kaso ng SMARTMATIC matapos ang kanilang disqualification sa nasabing bidding process.