BBM2

Mahigit $7B investment nasungkit sa pagbisita ni PBBM sa Indonesia

241 Views

MAHIGIT na $7 bilyon investment umano ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbisita nito sa Indonesia.

Ayon sa Office of the Press Secretary kasama rito ang mga investment sa textile, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at pagkain.

Mayroon din umanong mga naipangakong pamumuhunan sa imprastraktura gaya ng C-5 four level elevated expressway.

Napag-usapan din umano ang posibleng pagsu-suplay ng Indonesia ng urea sa Pilipinas upang mapababa ang presyo ng pataba.

Ayon kay Marcos ang kanyang pagbiyahe sa Indonesia ay naging mas produktibo kaysa sa inaasahan.

Matapos ang kanyang biyahe sa Indonesia at nagtungo si Marcos sa Singapore.