Calendar
Malakas na relasyon ni PBBM sa ME leaders, malaking tulong sa paglaya ng 17 Pinoy seafarers
NANINIWALA ang Palasyo ng Malakanyang na ang malakas na relasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider sa Middle East ang isa sa mga dahilan sa paglaya ng 17 Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebels sa Red Sea sa Yemen.
Sa pahayag na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo De Vega na pinagsumikapan ng husto ng Pangulong Marcos na mapalaya ang mga bihag.
“Our President really thanked Oman… This was (the) consequence which we were hoping for and got it much faster as [we] expected it,” pahayag ni De Vega.
“And maybe [it] is because we [have] special friendship. Our President has been talking to leaders in the region and definitely because of the high regard the Middle East, the countries have for us because of the work of our millions of Filipinos there, so salamat din sa kanila,” dagdag ng opisyal.
Tahimik na diplomasya aniya ang ginawa ng mga opisyal ng Pililinas.
Nakauwi na ng Pilipinas ang 17 Filipinos.
“So that their health [will] be monitored to make sure wala silang post-traumatic stress disorder. So, after that maybe Tuesday they will be brought to their provinces, most of them are not from Metro Manila,” pahayag ni De Vega.