OWWA

Malasakit ni Magsino sa OFWs pinuri ni Millar

Mar Rodriguez Sep 8, 2023
146 Views

PINAPURIHAN ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar si OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino dahil sa kasipagan at malasakit na ipinapakita nito bilang kinatawan ng mga Migrant workers sa Kamara de Representantes.

Sinabi ni Millar na kahanga-hanga at hindi matatawaran ang ipinapamalas na sipag at husay ni Magsino sa nakalipas na budget deliberations sa Kongreso patungkol sa pagsalang ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan para depensahan ang kanilang 2024 proposed national budget.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang isa mga ahensiya ng pamahalaan na sumalang sa budget deliberations ng House Committee on Ways and Means na dinaluhan ni Magsino.

Sa pagdalo ni Magsino sa budget hearing ng DOLE, kinuwenstiyon nito ang malaking pagkakaiba sa alokasyon sa pagitan ng Livelihood and Emergency Program at Welfare Service Program.

Ipinahayag ni Magsino ang kaniyang saloobin na dapat magkaroon ng mas malaking alikasyon sa Welfare Service Programs para sa kapakanan ng mga mas nangangailang sektor. Gayunman, sinabi ng mambabatas na sinusuportahan parin nito ang 2024 proposed budget ng DOLE.

Dahil dito, buong pagmamalaking ipinabatid ni Millar na napakalaking bagay ang Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular na sa mga komplikadong usapin katulad ng human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Millar, maraming OFWs ang nagagalak sapagkat nakikita umano nil ana aktibong-aktibo si Magsino sa budget deliberations sa Kamara de Representantes lalo na sa mga ahensiya na may kinalaman sa Migrants workers.

Sinabi pa ni Millar na nararapat lamang na busisiin ang budget ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang hindi masayang ang ibinabayad na buwis ng taongbayan at makita rin nila na nagagastos ng tama ang pondo ng gobyerno.