Calendar
Maliliit na rice retailer sa Zamboanga del Sur bibigyan nga ayuda
MAGBIBIGAY ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maliliit na rice retailer sa Zamboanga del Sur sa Lunes, Setyembre 11.
Bukod sa naturang probinsya, sinabi ng DSWD na magkakaroon din ng P15,000 cash payout sa Pateros, Navotas, at Parañaque City.
Sa pagtutulungan ng DSWD, Department of Agriculture (DA), at Department of Trade and Industry (DTI) ay natukoy ang 337 rice trader na tutulungan nito. Sa naturang bilang 15 ang nasa Pateros, 161 sa Navotas, 129 sa Parañaque at 32 sa Zamboanga del Sur.
Ayon sa DSWD tutulong sa kanila ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa maayos na pamimigay ng ayuda.
Namimigay ng cash assistance ang gobyerno upang matulungan ang mga maliliit na rice retailer na naapektuhan ng ipinatutupad na price ceiling sa bigas.
Itinakda sa hanggang P41 ang kada kilo ng regular milled rice at P45 kada kilo naman ang well-milled rice. Nagsimula itong ipinatupad noong Setyembre 5.