Anakalusugan party list

Mandanas suportado Anakalusugan Party List

75 Views

SUPORTADO ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang Anakalusugan party-list sa halalan sa Mayo 2025.

Sinamahan ng gobernador si Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes sa paghahain ng Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CONCAN) sa Commission on Elections noong Oct. 7.

Isa ang Batangas sa mga lokal na pamahalaan na patuloy na nagsusulong para sa implementasyon ng Universal Health Care Law at mapalawak ang access ng publiko sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.