Calendar

Manila model sa edukasyon noong termino ni Isko
MODEL ang Manila sa makabagong paraan ng edukasyon noong panahon ng pandemya sa ilalim ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Binanggit ni Domagoso ang makabagong pamamaraan sa larangan ng edukasyon noong may COVID-19 bunga ng inaasahang pagsususpinde ng face-to-face classes ngayong nagsisimula nang tumindi ang init ng panahon.
Ayon kay Domagoso, tinipon niya ang school board upang matugunan ang utos ni dating Department of Education (DepEd) secretary Leonor Briones na gamitin ang online learning upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Sa loob ng dalawang araw, nakalikom siya ng P994 milyon o halos P1 bilyong piso kaya’t nabili ang 110,000 tablets para sa mga estudyante at 11,000 laptops para sa mga guro.
“Bawat bahay na may bata na nag-aaral sa public school, mayroon silang magkakapatid na tablet, at bawat teacher, mayroon silang laptop, at both of them, para hindi na sila gumastos sa Internet to finish their education,” sabi ni Moreno.
Sinabi ni Domagoso na ang kanyang proyekto ang ginawang modelo ng iba pang lokal na pamahalaan upang maglunsad ng ganitong uri ng pamamaraan para maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.
“I want to thank Secretary Liling, kasi during one of the DepEd meetings, binanggit niya na pwede palang gawin, kopyahin ang prototype ng Manila,” pahayag ni Domagoso.