Marcial Marcial: Palaban.

Marcial tutok muna sa Olympic gold

Robert Andaya Aug 22, 2023
361 Views

PINURI ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ni boxing champion Eumir Marcial na tumutok muna sa kanyang kampanya na manalo ng inaasam na Olympic gold medal.

Inanunsyo din ni Tolentino ang nalalapit na pag-uwi ni Marcial mula United States upang sumama sa national boxing team sa kanilang darating na training camp sa Canberra, Australia.

“Eumir will be coming home from the US as soon as possible and to join the national boxing team and work on his Australian visa,” pahayag ni Tolentino patungkol sa paglahok ni Marcial sa national team na tutulak patungong Canberra simula Sept. 1.

Ang desisyon na umuwi ng bansa at tumutok sa paghahanda para sa darating na Olympics ay nabuo mstapod muling makansela ang ika-lima sanang professional fight ni Marcial ngayong buwan.

Ang nakatakdang laban ni Marcial ngayong buwan ay pinagpaliban sa susunod na buwan, na kung saan makakasabay naman ng Asian Games sq Hangzhou sa Sept. 23-Oct. 8.

“Sean (Gibbons) readily agreed that Marcial focuses on Hangzhou and go after his Olympic dream,” paliwanag ni Tolentino.

Gayunman inaasahang magiginh mabigat ang laban ni Marcial sa Hangzhou.

Una, lalaban siya sa 81 kgs (light heavyweight) dahil ang 71-kg class (middleweight) na kung saan nasungkit niya ang bronze medal sa Tokyo Olympics ay nabura sa prograna sa Hangzhou.

Pangalawa, kailangan niyang sbotcsa finals sa Hangzhou upang makakuha nh ticket sa Paris ayon sa bagong patakaran.

Subalit hindi natitinag di Marcial.

“It’s now or never,” wika ng 27-year-old boxer mula Zamboanga City.