Martin at Baldonado Martin (kanan) at Baldonado

Martin, Suarez kumpiyansa sa “Ultimate Knockout Challenge”

Ed Andaya Mar 11, 2022
717 Views
Suarez at Mangubat.
Suarez (kanan) at Mangubat.

MAGTUTUOS sina Carl Jammes Martin ng Ifugao at Ronnie Baldonado ng Cotabato sa isang kapanapanabik na laban para sa bakanteng WBA Asia super bantamweight sa “Ultimate Knockout

Challenge” ngayong Sabado sa Elorde Sports Complex sa Sucat, Parañaque.

Ang 22-taong-gulang na si Martin, na tinatawag ding “Wonder Boy”, ay bahagyang nakakalamang kay Baldonado sa inaasahang hitik sa aksyong labanan.

Si Martin, na kasalukuyang ranked No. 12 ng International Boxing Federation (IBF), ay may tangang 18-0 record, kabilang ang 15 knockouts.

Idedepensa din ni Martin laban kay Baldonado ang kanyang Philippine 122-lb belt, na kanyang nasungkit nung Disyembre.

“My opponent is moving up in weight but it won’t make him a huge underdog because admittedly, he’s faced boxers who are way talented compared with my past foes,” pahayag ni Martin sa isang panayam.

Samantala, maghaharap din ang Olympian na si Charly Suarez at Tomjune Mangubat para sa 12-round World Boxing Association (WBA) Asia super featherweight championship.

Ang 33-taong-gulang na si Suarez ay kasalukutang may hawak na 9-0 record, kasama na ang anim na knockouts.

“This fight is crucial for me because this could pave the way for an international campaign soon. But first things first, my focus is Mangubat at the moment,” wika ni Suarez.

Kssama din sa blockbuster card na itinataguyod ng VSP Promotions ni Cucuy Elorde ang 12-round sagupaan nila titleholder Bienvenido Ligas and challenger Roland Jay Biendima para sa Philippine flyweight championship.

Ang naturang boxing pronotion ay may basbas ng Games and Amusements Board (GAB), sa pamumuno ni Chairman Abraham “Baham” Mitra.