Sara Naka Tibay at Puso sign sina Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte (2nd right) Laguna Gov. Ramil Hernandez (right), Vice Governor Karen Agapay at Laguna Rep.Ruth Hernandez (2nd left) sa meet and greet nila sa iba’t ibang women’s groups ng Laguna na ginanap sa Sta Cruz Laguna Sports Complex. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara inendorso nina Laguna Gov. Hernandez, kongresistang misis

321 Views

LALO pang lumakas ang suporta sa vice presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte matapos itong iendorso nina Laguna Gov. Ramil Hernandez at misis nitong si Rep. Ruth Hernandez.

Isinapubliko ng mag-asawang Hernandez ang kanilang pag-endorso kay Duterte sa isang pagtitipon ng mga barangay volunteer workers, barangay nutrition scholars at mga miyembro ng Serbisyong Tama Kababaihan at the Laguna Sports Comelec sa bayan ng Sta. Cruz.

Nanawagan ang gubernador sa kanyang mga constituent na huwag siyang ipahiya at tiyakin ang panalo ni Duterte na nangunguna sa mga survey sa vice presidential race para sa May 9 election.

Katangi-tangi umano ang nakababatang Duterte na nakakuha ng 93% approval rating lagpas sa rekord na 86% ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte noong ito pa ang mayor ng lungsod Davao.

Ayon naman kay Rep. Hernandez idolo ng mga kababaihan si Mayor Duterte sa kanyang katangi-tanging paglilingkod sa bayan.

Si Duterte ay inilarawan din ng mambabatas bilang subok na sa panunungkulan, may galing, may tapang at may malasakit sa mamamayan.

Tiwala si Rep. Hernandez na ipagpapatuloy ng alkalde ang legasiya ng kanyang ama.

Nagpasalamat naman si Duterte sa mag-asawa at sa mainit na pagtanggap sa kanya.