sara Sinasagot ni Lakas-CMD/HNP vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte ang mga tanong mula sa national sa proclamation rally ng Pampanga 3rd District officials na pinangunahan ni Rep.Aurelio “Dong” Gonzales Lunes ng gabi sa Dong Gonzales Dome sa Mexico, Pampanga. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara muling namayagpag sa Pulse Asia survey

176 Views

MULING namayagpag sa Pulse Asia survey si Davao City Mayor Sara Duterte at nakuha nito ang mahigit sa kalahati ng mga boto.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21, nakuha ni Duterte ng 56% voter preference o mahigit sa kalahati.

Malayong pumapangalawa sa kanya si Senate Presidente Tito Sotto III na nakapagtala ng 20%.

Sumunod naman sina Sen. Francis Pangilinan na may 15%, Doc Willie Ong na nakapagtala ng 5%, at Buhay Rep. Lito Atienza na nakakuha ng 1%.

Ang iba pang kandidato ay wala sa isang porsyento ang nakuha at mayroong 3% na hindi sumagot o walang pinili.

Kinuha sa nationwide survey ang opinyon ng 2,400 representative na edad 18-anyos pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview. Ang survey ay mayroong sampling error margin na ± 2%.