Peste sa tubuhan sa Negros pupuksain ng DA, SRA
Jun 6, 2025
atuan; 10 bahay naabo
Jun 6, 2025
PRO 4A nagkaroon ng LAB Virus program
Jun 6, 2025
Calendar

Nation
Meralco may taas-singil ngayong Disyembre
Arlene Rivera
Dec 9, 2022
253
Views
MAGTATAAS ang singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.
AYON sa Meralco tataas ng P0.3297 kada kiloWatt hour (kWh) ang singil nito o mula P9.9472 kada kWh noong Nobyembre ay magiging P10.2769 ito ngayong buwan.
Ang mga gumagamit ng 200 kWh kada buwan ay makararanas ng P66 pagtaas sa kanilang bayarin.
Natapos na umano ang distribution-related refund ng Meralco sa mga kustomer nito na nagkakahalaga ng P0.4669 kada kWh.
Tatlo ang refund na ipinatutupad ng Meralco—ang una ay matatapos ngayong buwan, ang ikalawa ay magtatapos sa Enero 2023 at ang huli ay matatapos sa Mayo 2023. Ang refund ay may kabuuang halagang P1.3340 kada kWh.
Halu-halong krimen masakote sa QC
Jun 5, 2025
SHS iminungkahing tanggalin
Jun 5, 2025