Meralco

Meralco may taas-singil ngayong Setyembre

Arlene Rivera Sep 9, 2022
152 Views

MAGTATAAS ng singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Setyembre.

Ayon sa Meralco may dagdag na P0.3907 kada kiloWatt hour ang singil nito ngayong buwan o magiging P9.9365/kWh mula sa P9.5458/kWh noong Agosto.

Ang isang pamilya na gumagamit ng 200 kwh kada buwan ay makararanas ng P78 pagtaas.

Ang pagtaas ng presyo ay dulot umano ng pagtaas ng generation charge.