Binoe napipisil para sa remake ng ’80s movie
Feb 24, 2025
Otoko papansin sa social media
Feb 24, 2025
Martial Law sa ilalim ni PBBM ‘fake news’
Feb 24, 2025
PBBM pinagdasal agarang paggaling ni Pope Francis
Feb 24, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Mga bagong OFW sa Taiwan mas mataas ang suweldo
Peoples Taliba Editor
Aug 12, 2022
257
Views
MAS mataas ang magiging sahod ng mga bagong Overseas Filipino Workers (OFW) na pupunta sa Taiwan.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang bagong sahod ng mga foreign worker sa Taiwan ay NT$17,000 hanggang NT$20,000 na katumbas ng P31,000 hanggang P37,000.
Sinabi ni Ople na kasama sa magbebenepisyo sa bagong sahod ay ang mga bagong hire, transferred workers, at re-hired na manggagawa.
Mayroon umanong apela upang maisama sa bagong wage policy ang mga kasalukuyang foreign worker.
Sinabi rin ni Ople na “business as usual” na ulit sa Taiwan matapos na ihinto ng China ang kanilang military drill.