PRC

PRC may special professional licensure exam para sa mga Pinoy sa Thailand

126 Views

MAGSASAGAWA ng Special Professional Licensure Examination para sa mga hguro ang Professional Regulation Commission (PRC) sa Bangkok, Thailand sa Setyembre.

Ayon sa PRC, ang mga interesado ay maaaring mag-aplay sa pamamagitan ng PRC Online Application System at https://online.prc.gov.ph up.

Ang eksaminasyon ay gagawin sa Setyembre 25.

ANG examination fee ay nagkakahalaga ng P2,200 at maaaring bayaran sa mga otorisadong payment channel ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Pay Maya.

Matapos ang online application at pagbabayad, ang aplikante ay kailangang magsumite ng kanyang mga requirement sa pamamagitan ng email. Kabilang sa mga requirement ang transcript of record, valid passport, at litrato.

Ang pangalan ng mga papasa ang kuwalipikasyon ay ilalagay ng PRC sa kanilang website. Sila ay makatatanggap ng Notice of Admission (NOA) na kanilang ipapakita sa testing center na iaanunsyo ng PRC.