BBM

Turkish Amba ginawaran ng Order of Sikatuna ni PBBM

46 Views

GINAWARAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu (Grand Cross) Silver Distinction si Artemiz Sümer, ang outgoing Turkish Ambassador to the Philippines.

Ibinigay ni Marcos ang parangal sa isinagawang farewell call sa Malacañang noong Huwebes, Agosto 25.

“We are grateful for Ambassador Sümer’s efforts to strengthen ties between Türkiye and the Philippines. We also wish her well as she completes her tour of duty in the Philippines,” sabi ni Marcos.

Ang Order of Sikatuna ay isang parangal na maaaring ibigay ng Pangulo ng bansa sa isang indibidwal na mayroong nagawa upang mapalakas ang relasyon ng ibang bansa sa Pilipinas.

Si Ambassador Sümer ay naitalaga sa Pilipinas noong 2019.

Ang Turkey ay isa sa mga bansa na sumusuporta sa peace process sa Bangsamoro Region.