Calendar

Mga bigating politiko sa Lanao de Sur suportado si Villar
SUPORTADO ng mga tinaguriang “political giants” o mga bigating politiko mula sa Lanao de Sur ang kandidatura ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial bet Camille A. Villar.
Dahil dito, tiniyak ni Villar na sakaling siya ay papalaring maluklok sa Senado. Nakahanda nitong ipagpatuloy ang pagsusulong ng mga proyekto na magbibigay ng malaking pakinabang para sa sektor ng agrikultura lalo na sa mga kanayunan.
Nagpahayag ng solidong suporta para kay Villar ang mga bigating opisyal sa nasabing lalawigan sa pangunguna ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo at kaniyang team. Kasama na ang iba pang miyembro ng angkan ng Dimaporo matapos ang pagbisita ng batang kongresista sa Tubod, Lanao de Norte noong Abril 22.
Bukod kay Cong. Dimaporo, ipinahayag din ni Lanao del Norte Gov. Imelda “Angging” Dimaporo ang kaniyang suporta para sa Senatorial bid ni Villar.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Villar ang kahalagahan ng pagasasa-ayos ng ating agrikultura sa pamamagitan ng training and upgrading ng mga equipments upang matiyak makakapag-hubog ng mga bagong magsasaka sa darating na hinaharap.