Magsino

Mga butas sa implementasyon ng SWP dapat busisiin — Magsino

Mar Rodriguez Feb 29, 2024
173 Views

BAGAMA’T walang pagtutol si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Seasonal Workers Program (SWP). Subalit iginiit ng kongresista na kinakailangan busisiin at pag-aralan mabuti ng Kongreso ang mga “loopholes” o butas sa implementasyon ng nasabing programa.

Sa kaniyang sponsorship speech sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, ipinaliwanag ni Magsino na hindi niya tinututulan ang implementasyon ng SWP na nakapaloob sa kasunduan sa pagitan ng Philippine Local Government Unit (LGU) at LGU ng South Korea.

Binigyang-diin ni Magsino na mahalagang matutukan o mabigyan ng special attention ng Kamara de Representantes ang kasalukuyang status ng mga Filipino agricultural workers na inupahang magtrabaho sa South Korea patungkol sa issue ng kanilang proteksiyon at kagalingan o welfare.

Aminado ang OFW Party List Lady solon na,alaking oportunidad ang naibibigay ng SWP para sa mga Pilipino para makakuha ng trabaho ang tinatawag na “job opportunities sa South Korea.

Subalit sa kabila nito, naninindigan si Magsino na dapat busisiin ang safety measures ng SWP.

“I have no disagreement with the program. But I must emphasize that while the program indeed opens up overseas employment opportunities, we need to focus special attention to the status of the protection of the rights and welfare of Filipino agricultural workers that are currently hired in,” paliwanag ni Magsino.

Sinabi pa ng kongresista na maraming issues ang dapat sagutin kaugnay sa implementasyon ng SWP. Kabilang dito ang katanungan kung sinong ahensiya ng pamahalaan ang dapat mag-regulate sa SWP at bakit hindi nakasama ang Department of Migrant Workers (DMW).

“Ito ang mga dapat masagot. Sino ang nagre-regulate? Bakit hindi kasama ang DMW at bakit hindi sakop ang ating mga seasonal workers sa karapatan at proteksiyon ng mga Overseas Filipino Workers,” sabi pa ni Magsino.