Magsino1

Mga embahada at Konsulado sa abroad dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mental health issues ng mga OFWs — Magsino

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
114 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐˜€๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—˜๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—บ.

Ito ang mungkahi ni Magsino sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes patungkol sa kinakaharap na mental health problem ng mga OFWs dulot ng stress, sobrang kalungkutan at pangungulila sa kanilang pamilya.

Dahil dito, sabi ni Magsino na maiibsan ang sulIraning kinakaharap ng mga OFWs hinggil sa kanilang mental health problem kung maihahanda lamang ang mga Embahada at Konsulado sa abroad kung papaano nila matutulungan ang mga OFWs na dumaranas ng matinding depression at iba pang suliranin na nauuwi sa mental heath o sakit sa pag-iisip.

Nauna ng inilatag ng OFW lady solon sa kaniyang talumpati sa Bulwagan ng Kongreso ang labis nitong pagkabahala tungkol sa mental health problem ng mga OFWs kasunod ng kaniyang pagbibigay diin na kinakailangan ng agarang aksiyon mula sa gobyerno upang resolbahin ang nasabing problema.

Ayon kay Magsino, ang ilan sa mga problemang binabalikat ng mga OFWs na lalong nagpapalala sa kanilang sakit sa pag-iip o mental health ay ang malaking pagkakautang nila sa kanilang amo, suliranin sa kanilang kontrata at ang labis na kalungkutan.

Sinabi pa ng kongresista na ang ikinababahala din ng mga kaawa-awang OFWs ay ang kanilang pangangamba na lalo pang nagpapadagdag sa kanilang pinagdadaanang hirap o ordeal ay ang matuklasan o malaman ng kanilang mga amo na mayroon silang mental health problema na wala aniyang duda na maaari silang matanggal sa trabaho.

Bunsod nito, kaya natatakot ang mga OFWs ayon pa kay Magsino na magpatingin sa isang espesyalista dahil baka malaman ng kanilang amo ang totoong kalagayan nila.