Mac Tuwang-tuwa ang mga teachers habang tinatanggap ang mga laptop na ibinigay ni Gov. Joet Garcia sa kanila. Kuha ni Christian Supnad

Mga guro sa Bataan nabigyan ng Mac laptops

Christian Supnad Jan 26, 2025
18 Views

BATAAN–Namigay ang Bataan sa pamumuno ni Gov. Joet Garcia ng mahigit 800 na laptops sa ibat-ibang schools sa Bataan.

Sinabi ni Gov. Garcia na: “Kaugnay po ito ng ating layunin na lalo pang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating probinsya kaya muli po tayong namahagi ng mga MacBook laptops.

Sa pagkakataong ito sa lahat ng mga public elementary school principals, ALS district at mobile teachers, at mga ICT schools na may Mac laboratories na umabot sa 808.”

Nauna rito, namigay din si Garcia ng mga MacBook laptops sa 3,234 na guro sa mga pampublikong paaralan sa Bataan People’s Center.

Ang nasabing pamamahagi kaugnay ng layunin ng pamahalaan ng Bataan na mas mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan.

“Malaki po ang maitutulong mga laptop na ito upang mas mapaghusay at mapadali ang trabaho ng ating mga guro.

Bukod dito, layon din nating isulong ang 100% na paggamit ng Learning Management System (LMS) na ating ibababa sa mga paaralan ng sa gayon magkaroon na ng online database ang ating mga guro at magamit ng ating mga mag-aaral ang iba’t ibang modules at learning resources.”

Nakasama po natin sa pamamahagi sina Vice Governor Cris Garcia at Bokal Jomar Gaza.