Nograles

Mga kongresista suportado ‘game-changer’ US-Japan-PH summit

Mar Rodriguez Apr 10, 2024
158 Views

SUPORTADO ng mga kongresista ang isasagawang tripartite summit sa pagitan nina United States President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Philippine President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na maituturing umanong isang game-changer para sa kooperasyon at diplomasya sa rehiyon.

Sa Abril 11 isasagawa ang pagpupulong ng tatlong lider na gaganapin sa Washington D.C. na sesentro sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific region.

Kumpiyansa si Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles na ang trilateral meeting ay magsisilbing hudyat para sa mas magandang kooperasyon at pag-unlad na pakikinabangan ng mga residente ng mga kalahok na bansa.

“This historic gathering presents a unique opportunity for our nations to collaborate on key issues that affect our shared interests and aspirations. I am confident that this summit will pave the way for enhanced cooperation and prosperity for our peoples,” ani Nograles.

Binigyan-diin naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan at kolaborasyon para matugunan ang mga hamon sa rehiyon.

“As representatives of our constituents, we applaud the efforts of our leaders to engage in constructive dialogue that aims to promote peace, stability, and economic growth in the Indo-Pacific region,” ani Adiong.

Para naman kay Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega malaki ang potensyal na ang trilateral meeting ay magpalakas sa economic partnership ng mga kalahok na bansa at mapalakas ang pang-rehiyong seguridad.

“The coming together of these three leaders underscores the importance of strategic cooperation in addressing shared challenges and seizing opportunities for growth and development,” saad naman ni Ortega.

Naniniwala naman si Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun na magiging maganda ang resulta ng summit.

“As young leaders, we recognize the significance of multilateral engagements in shaping a more prosperous and secure future for our nations,” sabi ni Khonghun.

“This summit represents a crucial step towards deepening our ties and fostering greater understanding and cooperation among our citizens,” dagdag pa nito.

Sina Nograles, Adiong, Ortega, at Khonghun ay tinaguriang “Young Guns,” ang grupo ng mga batang lider ng Kamara.

Nangako ang mga kongresista na patuloy na isusulong ang mga polisiya na nagtataguyod ng kapayapaan, pag-unlad, at kooperasyon sa pandaigdigang entablado.