Calendar
Metro
Mga kriminal sinuyod sa QC; 215 nalambat
Melnie Ragasa Jimena
Mar 30, 2025
74
Views
UMABOT sa 215 suspek sa iba’t-ibang krimen ang nalambat ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang linggong operasyon.
Ayon kay QCPD acting director, P/Col. Melecio Buslig Jr., kabilang sa mga naaresto ang 70 wanted persons, 67 drug suspects, 3 sa pagdadala ng baril at 75 sugarol.
Sa mga nahuling drug suspects, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 166.93 gramo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P943,274.
Apat na baril naman ang nakumpiska sa 3 suspek habang P23,419 na pusta ang nasamsam sa mga sugarol.
“Patuloy na paiigtingin ng mga pulis Kyusi ang kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Quezon City,” pahayag ng QCPD chief.
Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold
May 13, 2025
Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025
May dalang paltik, inaresto
May 12, 2025
Mayor Honey determinado na ipagpatuloy ang trabaho
May 12, 2025