Martin1 Nagbigay si Speaker Ferdinand Martin G Romualdez ng kanyang welcome remarks sa Bagong Pilipinas Convention and Alliance Signing sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum sa Pasay City Huwebes ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

Mga kriminal walang puwang sa lipunan— Speaker Romualdez

71 Views

IPINAGMALAKI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang naging desisyon ng Kamara de Representantes na buuin ang quad committee upang imbestigahan ang koneksyon ng bentahan ng iligal na droga, Philippine offshore gambling operators (POGOs), extra-judicial killings at mga paglabag sa karapang-pantao noong administrasyong Duterte.

“This investigation is a crucial step toward the creation of a blueprint for the formulation of legislative solutions to uphold the rule of law,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“Criminals have no place in our society and we are leaving no stone unturned to preserve the peace and security in our country,” deklara ni Speaker Romualdez.

“Inuulit ko: walang puwang ang mga kriminal sa ating lipunan. Hindi natin papayagan na mag-hari ang mga panginoon at alagad ng kadiliman at kasamaan sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpasa ng mga panukalang batas, sinabi ni Speaker Romualdez na ginampanan ng Kamara ang mandato nito na magsagawa ng mga pagdinig.

“Hindi lamang tayo gumawa ng mga batas para sa bayan; naging bantay din tayo ng taong bayan para sa kanilang kapakanan,” giit pa nito.

“Tuloy-tuloy ang ating ginawang imbestigasyon para direktang tugunan ang mga suliranin sa araw-araw na buhay ng mga kapwa nating Pilipino,” dagdag pa nito.

Ang quad committee ay binubuo ng Committees on dangerous drugs, public order and safety, human rights, at public accounts.

“The congressional-wide inquiry – now popularly known by our people as the Quad Com – aims to uncover the truth, identify the perpetrators of those illicit activities, obtain justice for the victims and their respective families, and most importantly, to ferret out the deficiencies and flaws in our existing laws, and legislate appropriate remedies,” sabi pa nito.

Ang pagbuo ng quad committee ay bunsod ng inisyatiba ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Ayon kay Speaker Romualdez sa kabuuang 64 na prayoridad na panukala na nakalinya sa common legislative agenda para sa 19th Congress, naaprubahan na ng Kamara ang 60 panukala.

Sa 60, 20 ang naisabatas na kasama ang Magna Carta of Filipino Seafarers, at apat ang para sa konsiderasyon ng Pangulo— ang Anti-agricultural Economic Sabotage Act, value added tax on digital transactions, Academic Recovery and Accessible Learning Program Act; at Philippine Self-reliant Defense Posture Program Act.

Sa 28 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council na maipasa ngayong 19th Congress, sinabi ni Speaker Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagtapos na ng Kamara ang 26.

“We will aim for a 100-percent completion by end of December 2024 or six months ahead of its intended target,” sabi pa ng lider ng Kamara. “Sa madaling salita, tapos natin ang lahat ng trabaho na napagkasunduan kasama ang Palasyo at ang Senado bago matapos ang taong kasalukuyan.”

“Dahil sa ipinakita ninyong kasipagan at dedikasyon sa trabaho, ipina-abot ko po ang taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat,” dagdag pa nito. “This chamber also continued heeding the call of our people in the countryside and made remarkable strides in addressing their immediate concerns.”

Ayon kay Speaker Romualdez marami ring panukalang naipasa ang Kamara para sa pagtatayo ng mga eskuwelahan, mga ospital, ecotourism sites at pagtatayo ng mga extension office ng iba’t ibang ahensya.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas, sa secretariat at congressional staff, “for a job well done.”

“This House of the People – composed of dedicated public servants – has demonstrated their tireless efforts to strengthen the philippine economy, broaden the range of public service, and reinforce the nation’s trust in our governance,” sabi nito.

“Muli nating pinatunayan na ang malaking kapulungan na ito ay institusyon ng aksyon at pagbabago. Sa bawat batas na ipinasa natin, hindi lamang mga salita ang binitawan natin. Ipinakita natin ang konkretong solusyon para sa pangangailangan ng bawat Pilipino,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Hinamon ni Speaker Romualdez ang kanyang mga kasamahan na ipagpatuloy ang masigasig na pagtatrabaho para sa mga Pilipino.