Calendar

Mga lider sa Kamara kampante: Speaker Romualdez mananatili sa pwesto sa 20th Congress
KUMPIYANSA sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez at Rep. Mark Enverga, kapwa kinatawan ng Quezon, na mananatiling Speaker ng Kamara de Representantes si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), sa ika-20 Kongreso.
Ginawa nina Suarez at Enverga ang pahayag sa gitna ng mga espekulasyon ukol sa posibleng pagpapalit ng liderato ng Kamara.
“We believe in the past three years that we have seen the performance of the House. We have seen how we can deliver to the legislative agenda of our President,” ani Suarez, isang stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), sa mga mamamahayag.
“And we have also seen how we can manage our leadership. We believe that karamihan sa atin na continuity ang mahalaga para sa Kongreso and we’re fully supportive behind the leadership of Speaker Martin,” dagdag ni Suarez.
Naniniwala rin si Enverga, isang stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na magpapatuloy ang pamumuno ni Speaker Romualdez sa Kamara.
“So, we believe that si Speaker Martin, will continue his term as Speaker. So, it will continue,” ani Enverga.
Sinabi naman ni Enverga na wala itong alam na nais na lumaban kay Romualdez.