PBBM

Mga miyembro ng sindikato binalaan ni Pangulong Marcos

Chona Yu Apr 16, 2024
137 Views

PBBM PBBMBINALAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga miyembro ng sindikato ng ilegal na droga na tiyak na aabutan sila ng mga awtoridad lalo’t maliit lang ang Pilipinas.

Ipinarating ni Pangulong Marcos ang babala matapos inspeksyunin ang nakumpiskang ilegal na droga sa Alitagtag, Batangas na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon.

“Bahala kayo sa ginagawa ninyo basta’t tuloy-tuloy lang kami.

Aabutan din namin kayo. Maliit lang ang Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito na ang pinakamalaking drug haul sa kanyang halos dalawang taong administrasyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, walang napatay sa naturang operasyon.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, walang dahilan para baguhin ang istratehiya sa pagsugpo sa drug menace.

Sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit 6,000 drug personalities ang napatay sa operasyon.

Kailangan lamang, ayon kay Pangulong Marcos, ang makipag-ugnayan sa International Police para mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

Pangako ni Pangulong Marcos, walang sasantuhing drug personalities kahit pa pulitiko ang mga ito.

Mismong si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag inspeksyon sa nakumpiskang mahigit dalawang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon sa Batangas.toneladang shabu na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon sa Batangas.