Calendar
Mga panukalang batas na inihain ni QC Cong. PM Vargas magbibigay ng long term solution laban sa epekto ng El Niño
ISINULONG ng isang Metro Manila congressman ang mga panukalang batas na magbibigay ng mas mahabang solusyon o ang tinatawag na “long term solution” para labanan ang epekto dulot ng masamang panahon kabilang na dito ang napipintong El Niño.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Congressman Patrick Michael “PM” Vargas na naniniwala siyang magbibigay ng mabisang solusyon hinggil sa kasalukuyang masamang lagay ng panahon ang mga inihain nitong panukala bilang pagtugon narin sa climate change partikukar na sa community level.
Kabilang naman sa mga panukala na isinulong ni Vargas para matulungan ang lokal na pamahalaan kasama ang mga local residents ay ang “Rent-a-Bike Program para sa bawat siyudad na nakapaloob sa House Bill No. 6834 at iba pang panukalang batas upang maging bike friendly communities ang mga barangay at mga distrito.
Binigyang diin ni Vargas na ang karamihan sa mga Pilipino ay mga manggagawa. Kung kaya’t sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access o isang paraan para sa isang alternatibong transportasyon. Hindi lamang ito aniya nakakatulong sa kanila bagkos ay natutulungan din nito ang kalikasan.
“Majority of our people are active members of the labor force who comprise the riding public. By providing them access to alternative transport. We don’t only help them economically we can also contribute to how the environment heal from all the pollutions,” ayon kay Vargas.
Kasabay nito, iinihain din ng neophyte congressman ang House Bill No. 4556 o ang “Basura to Ayuda Act” na naglalayong bigyan ng insentibo ang solid waste management recycling. Kung saan, ang isang waste material ay maaaring palitan ng bigas, itlog, gulay, canned goods at iba pang mahahalagang grocery items.
Ilan din sa mga panukalang batas na inihain ni Vargas na itinuturing na “environment friendly” at makakatulong para labanan ang climate change ay ang House Bill No. 5807 na naglalayong magkaroon ng ligtas at potable water na maiinom ang publiko sa pamamagitan ng “Potable Water Supply Act”.