Madrona

Mga panukalang batas na isinulong ng House Committee on Tourism sinimulan ng talakayin sa Senado

Mar Rodriguez May 18, 2023
158 Views

INUMPISAHAN na ng Senado ang pagdinig nito patungkol sa mga panukalang batas na isinulong ng House Committee on Tourism para mabigyan ng bagong pangalan ang mga kalsada at tulay. Kabilang na dito ang pagsasa-ayos ng mga ito patungo sa isang ‘tourist destination” ng isang lalawigan

Humarap sa isinagawang deliberasyon ng Senate Committee on Public and Highways, na pinamumunuan ni Sen. Ramon “Bong” B. Revilla, Jr., si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism, para depensahan ang mga nasabing panukalang batas.

Sa naturang pagdinig, inilatag ni Madrona ang mga panukalang batas kaugnay sa pagsusulong ng “road conversion” o ang pagpapalit ng pangalan ng kalsada na napakapaloob sa House Bill No. 1028 o ang “An Act Converting Sawang Macalas Road” sa Munisipalidad ng Romblon bilang isang national road.

“Thank you very much Chairman Revilla, Senator Padilla. I have the honor to sponsor House Bill number 1028 under Committee Report Number 68. An Act Converting Sawang Macalas Road in the Municipality of Romblon. This road was in vision constructive and division to shorten the travel time between our farthest barangays to the Romblon State University,” pahayag ni Madrona.

Ipinaliwanag ni Madrona sa nasabing Komite na isang malaking kaginhawahan para sa kaniyang mga ka-lalawigan ang pagsasabatas ng House Bill No. 1028 sapagkat mas paiikliin nito ang travel time papunta sa kanilang batas na magbibigay ng kombinyente para sa mga estudyante ng RSU.

Dahil dito, hiniling ni Madrona sa Komite ni Revilla na mabigyan ng konsiderasyon ang naturang panukalang batas. Kung saan, base naman sa evaluation ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ipinahayag ng ahensiya ng sinusuportahan umano nila ang HB No. 1028.

Bukod sa House Bill No. 1028 na inakda ni Madrona, nagkaroon ng deliberasyon at pagdinig ang Senate Committee on Public Works and Highways sa iba pang panukalang batas ng kongresista. Kabilang na dito ang House Bill No. 1029, 1031 na naglalayong magkaroon ng pagpapalit ng pangalan ng kalsada bilang isang national road sa lalawigan ng Romblon.

Nauna ng sinabi ni Madrona na maituturing na isang malaking bentahe aniya ang pagpapalit ng pangalan ng kalsada sa kanilang lalawigan sapagkat malaki ang magagawa nito para maging madali ang biyahe mula sa baryo patungo sa siyudad at magpapa-angat din sa turismo ng Romblon.