Uy

Internet sa tourist sites pabibilisin

90 Views

PABIBILISIN umano ang internet connectivity sa 94 na tourist destination sa bansa.

Gagawin umano ito ng Department of Tourism (DOT) sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay DICT Sec. Ivan Uy marami ng turista ngayon ang vlogger din at mahalaga sa kanila ang maayos na internet connection upang kanilang maibahagi ang kanilang magandang karanasan.

“They can also be our marketing tool in propagating the message,” ani Uy.

Marami rin umanong turista ang naka-workation na kailangan din ng maayos na internet connectivity.

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Tourism Development Plan kung saan kasama ang pagpapabilis ng internet connection sa mga popular na tourist destination.