Marbil

Mga Pinoy buo ang tiwala sa PNP na magiging neutral sa eleksyon sa Mayo

Alfred Dalizon Feb 26, 2025
12 Views

BUO ang tiwala ng mas nakararaming Pilipino sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na manatiling neutral habang ipinapatupad ang batas na walang kinikilingan upang maging mas ligtas at kapani-paniwala ang darating na May 12 national and local elections.

Ito ang lumabas sa isang survey na isinagawa ng PNP Directorate for Police-Community Relations na inilahad mismo ni PNP chief, General Rommel Francisco D. Marbilnung magsalita siya sa ika-anim na anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group sa Camp Crame.

Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya na lubos siyang natuwa sa resulta ng DPCR- initiated survey kung saan mahigit 90 porsiyento ng higit sa 94,000 respondents ang nagsabi na naniniwala sila na magiging neutral ang PNP ay may sapat itong kakayahan na panatilihing ligtas at kapani-paniwala ang magiging resulta ng pambansang halalan sa Mayo.

Ang PNP-DPCR sa ilalim ni Major Gen. Roderick Augustus B. Alba ang nagsagawa ng Survey on Public Expectations of the PNP’s Role in Ensuring a Safe, Secure and Peaceful Electoral Process for the 2025 National and Local Elections and the Bangsamoro Parliamentary Elections noong Enero 24 hanggang 28.

Sa pamamagitan ng online Google Forms, bawat isang Municipal at City Police Stations at Provincial Police Offices mula sa 17 Police Regional Offices ang nagtanong sa 25 respondents. Ang limang districts ng National Capital Region Police Office ay nagtanong naman sa 1,000 respondents mula sa Metro Manila.

Kabuuang 54,036 Pilipino, karamihan ay mga nasa hustong gulang at mga regular voters na ang mga natanong upang makakuha ng broad and representative samples.

Lumabas sa survey na mataas ang kumpiyansa ng publiko sa abilidad ng PNP na panatilihing mapayapa at malinis ang eleksiyon kung saan 92 porsiyento ang nagsabing lubos silang nasisiyahan sa mga programa ng kapulisan upang mapigilan at malutas ang kriminalidad sa bansa at iba pang mga emergency situations.

Kabuuang 91.94 porsiyento din ng mga respondents ang nagsabing naniniwala sila sa lubos na kakayahan ng Pambansang Pulisya na mapangalagaan ang integridad ng eleksiyon, ang mga botante, ang mga poll officials at ang general public.

Mas mataas din ang expektasyon ng mga respondents sa PNP pagdating sa security and safety (66.69%), impartiality (12.75%), at efficient response to incidents (5.60%).

Lumabas din sa naturang survey na gusto ng publiko ang mga ginagawang peace covenants ng PNP sa mga kandidato para maiwasan ang karahasan (34.27%), increased police deployment sa mga presinto at barangay (26.14%) at ang pagsasagawa ng checkpoints (21.33%).

“The results underscore the critical role of the PNP in fostering public trust and ensuring electoral integrity through proactive security measures,” sinabi nig PNP-DPCR.

Dagdag pa nito, ang resulta ng naturang survey ay magsisilbing gabay ng PNP leadership para i-adjust ang kanilang mga strategies alinsunod sa kagustuhan ng madla at upang lalaong mapalawak ang kanilang mga election-related initiatives.

Bago nito, ipinagutos na ni Gen. Marbil ang mas malawakang kampanya laban sa tinatawag na ‘Guns, Goons and Gold’ at ngayon nama’y ‘Fake News’ upang masiguro na ang darating na May 12 polls ay gagawa ng kasaysayan bilang pinakamapayapang halalan sa bansa.

“With the gun ban in effect since January 12, 2025, the PNP continues to enforce strict measures to curb illegal firearms, prevent election-related violence, and uphold peace and order across the country,” sinabi ng opisyal.

Binigyang-diin din n Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pamahaalan na masiguro ang isang peaceful at credible election process na naka-linya din naman sa kasalukuyang mga programa ng kapulisan para maproteksiyonan ang darating na democratic exercise at mapangalagaan ang kapakanan ng publiko.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief, Colonel Randulf T. Tuaño na simula noong Enero 12, ang buong kapulisan ay nagtatrabaho round-the-clock upang masiguro ang strict enforcement ng Comelec-imposed gun ban.

Mahigit 1,000 gun ban violators na ang nahuli sa mga checkpoints at bunga ng police responses, anti-illegal drug operations, gun buy-bust operations at iba pang law enforcement operations, sinabi ni Col. Tuaño..

Dagdag pa niya, mahigit 1,000 iligal na baril na din ang nakumpiska simula noong Enero 12.

Sinabi ni Col. Tuaño na kanilang iniimbestigahan ang dalawang napabalitang suspected election-related incidents have been reported habang isa na ang kumpirmadong ERI sa Western Visayas.

May labin-tatlong non election-related incidents na din ang nadokumento ng kapulisan at agad na naresolba.

Sinabi ni Gen. Marbil na ganap na nagtatrabaho ang Pambansang Pulisya upang matiyak ang isang maayos at mapayapang eleksiyon.

“The numbers speak for themselves—our intensified operations are in full force, and we will not let up. The PNP remains committed to safeguarding the electoral process by strictly enforcing the gun ban, neutralizing criminal activities, and preventing any attempts to disrupt the elections. We call on the public to cooperate, stay vigilant, and report any suspicious activities that may threaten the peace and integrity of this democratic exercise,” sinabi ng PNP chief.

Binigyang-diin din niya na ang PNP ay magiging ganap na apolitical at walang sinumang miyembro nito at gagawa ng anumang partisan activities sa election period.

“Anyone found violating these standards will face charges, including possible non-promotion or even dismissal from the service. The PNP will not tolerate any actions that undermine the integrity and impartiality of the elections,” kanyang babala.

Ayon kay Gen. Marbil, nananatili silang nasa high alert simula nung mag-umpisa ang campaign period para sa mga national candidates noong Febrero 12 at kanilang patuloy na pinapalakas ang kanilang mga security operations upang matiyak na any darating na halalan ay ‘free from violence, fear, and intimidation,.’

Hinikayat din niya ang lahat ng Pilipino na patuloy na suportahan ang kanilang ‘peace and order efforts by adhering to election laws and security protocols.’