Martin1 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. File photo ni VER NOVENO

Mga Pinoy makikinabang sa makasaysayang pagpupulong nina PBBM, Biden, Kishida—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 10, 2024
152 Views

MAKIKINABANG umano ang mga Pilipino sa makasaysayang trilateral summit nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagpupulong ng tatlong lider ng bansa sa Washington DC sa Abril 11 (oras sa Amerika) ay isa umanong pahiwatig ng paglalim ng relasyong pang-ekonomiya ng tatlong bansa at pagtaguyod sa katatagan at kapayapaan sa Indo-Pacific region, at pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

“Economic cooperation lies at the heart of this trilateral meeting, with discussions aimed at enhancing trade, investment, and development opportunities among our nations. Our country’s deeper economic integration with the United States and Japan will undoubtedly benefit our people in terms of jobs and livelihood opportunities and contribute to regional prosperity,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang makasaysayang trilateral meeting ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng Pilipinas sa Amerika at Japan para sa pagpapanatili ng katatagan at pagkakaroon ng kaayusan sa rehiyon.

“As nations with strategic interests in the Indo-Pacific, our collaboration is essential in addressing common challenges and advancing mutual interests,” sabi ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Ayon kay Speaker Romualdez ang trilateral meeting ay hindi lamang mahalaga para sa interes ng Pilipinas kundi maging sa international community ng mga bansa.

“President Marcos, Jr.’s engagement with President Biden and Prime Minister Kishida underscores our nation’s commitment to upholding the principles of freedom, democracy, and the rule of law. It is also a tacit recognition of his leadership and his foreign policy of being a friend to all and enemy to none,” saad pa ni Speaker Romualdez.

“By strengthening our partnerships with like-minded nations, we can address security challenges effectively and promote peace and stability across the region.”

“The House of Representatives stands solidly behind President Marcos, Jr. in this endeavor and we are ready to craft any legislation that may be necessary to advance and realize the objectives of this historic meeting,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi ng lider ng Kamara na inaasahan na pag-uusapan din ng tatlong lider ng bansa ang pagkakaroon ng inclusive economy at paglinang ng mga kritikal at umuusbong na tekbolohiya, climate change cooperation, at clean energy supply chain.

“The Philippines, as a vulnerable nation to the impacts of climate change, welcomes increased cooperation with the United States and Japan to implement sustainable solutions and mitigate the effects of climate change on our communities,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ang trilateral meeting ay magbibigay daan din umano upang mapalakas ang posisyon ng Pilipinas bilang isang mahalagang hub sa international supply chain na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.