Calendar
Nation
Mga pribadong paaralan humihirit ng taas-matrikula
Peoples Taliba Editor
Apr 30, 2023
152
Views
NAGHAIN ng petisyon ang mga pribadong paaralan upang makapagtaas ng matrikula sa susunod na school year.
Ayon sa abugado ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na si Kristine Carmina Manaog ang average na hinihinging pagtaas ay 4 na porsyento.
Ang pagtaas ay bunsod umano ng lumalaking gastos ng mga paaralan sa kanilang operasyon at sa dagdag sahod ng mga guro at iba pang empleyado ng eskuwelahan.
Hindi pa umano matukoy ang bilang ng mga paaralan na humihingi ng pagtaas dahil mayroong mga institusyon na nagsasagawa o katatapos pa lamang ang pagsasagawa ng konsultasyon.
Lubha rin umanong naapektuhan ng pandemya ang mga eskuwelahan.