Gordon Dating Senador Richard ‘Dick’ Gordon

Mga senador nanawagan ng matinding paghahanda ng gov’t dahil sa Russia-Ukraine crisis

229 Views

ALARMADO sa kasalukuyan sitwasyon dulot ng pagbomba ng Russia sa kalapit bansang Ukraine, nagpahayag ng ibat-ibang pangamba ang ilan sa mga senador kasabay ng panawagan sa kasalukuyang gobyerno na gawin ang karampatan kilos upang masiguro na ligtas ang ating mga kababayan Pilipino na naroroon sa Ukraine at masigurong may alternatibong paghahanda din ang ating pamahalaan sa negatibong epekto nitong idudulot sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Senator Richard Gordon, nararapat lamang na bigyan ng kaukulan pansin ang bagay na ito sa pamamagitan ng matinding preparasyon ng mga departamento ng pamahalaan dulot ng Executive department at ng Kongreso upang masiguro na may alternatibong galaw na paghahanda sa negatibong epekto ng pangyayaring ito.

Sinabi ni Goron na importante na magkaroon ng mga plano ang gobyerno sa paglikas ng ating mga kababayan at gayundin ang tamang pakikipag ugnayan sa mga kapit bahay nitong bansa tulad ng Turkey, Poland at Belarus kung saan ay pwedeng gamitin na alternatibong takbuhan ng mga Pilipinong maiipit sa kasalukyan giyera na nagaganap duon.

“In Ukrain alone, there are 380,ooo OFWs that need to be evacuated immediately,” ani Gordon.

Ang pahayad ni Gordon ay sinuportahan ni Senator Panfilo Lacson kung saan ay inihayag nito ang pangamba na idudulot hindi lamang sa mga kababayan natin na naruruon sa Ukraine kundi sa pangkalahatang sitwasyon pang ekonomiya na nagbabadya anya ng matinding paghamon.

Ani Lacson, siguradong apektado ang ekonomiya ng buong mundo ay nararapat lamang na paghandaan ng gobyerno ang bagay na ito lalo’t ang langis ay siguradong tataas gayundin ang iba pang pangunahing bilihin na inaangkat natin sa ibat ibang bansa.

Si Lacson na kasalukyan chairman ng Senate Committee on National Defense and Security ay nagpahayag na bagamat napakalayo ng Ukraine sa ating bansa ay hindi ibig sabihin na walang masamang epekto para sa ating mamamayan kung saan ay iginiit niya na isang global village ang mundo at ang invasion na ito ay tatama sa lahat ng bansa partikular sa stock market at marami pang bilihin.

Para kay Senate President Vicente Sotto III, kumpiyansa siya na gagawin ng Department of Foreign Affairs sa pamumuno ni DFA Sec. Teddy Locsin ang kanilang trabaho sa gitna ng mga pagsubok na ito.

Inamin ni Sotto III na nakatakda siyang makipag dayalogo kay Locson upang malaman kung anong mga galaw ang inaasahan para makasigurong may kaligtasan na aasahan ang ating mga kababayan naroroon sa Ukraine sa gitna ng nagaganap na hidwaan sa dalawang bansa.