Martin

Mga taga-Bauan mainit na sinalubong Speaker Romualdez

10 Views

MAINIT ang pagsalubong ng mga residente ng Bauan, Batangas kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang bumisita noong Lunes para sa groundbreaking ng itatayong 4-storey, 20-classroom Bauan Technical Integrated High School na nagkakahalaga ng P59.4 million.

Kasama ni Romualdez ang mga namumuno sa House Quad committee sa pangunguna ng lead chairperson nito na si Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drug, nang dumayo sa Bauan.

Nangako din si Speaker Romualdez na dadagdagan niya ng dalawa pang school building ang proyektong ito para sa mga mag-aaral.

Mismong si Congresswoman Jinky Luistro ang nag-imbita kay Speaker Romualdez para bumisita sa Bauan.

Sinalubong ni Luistro, kasama ang kanyang asawa na si dating Mabini, Batangas Mayor Noel Luistro, ang delegasyon ni House Speaker Romualdez.

Nagpalakpakan ang mga tao nang inindorso ni Speaker Romualdez si Atty. Luistro na muling tatakbo sa ikalawang termino bilang representative ng 2nd district ng Batangas.

Muling tatakbo bilang alkalde ng bayan ng Mabini ang asawa ni Luistro.