Mika Romero

Milka Romero pangungunahan inisyatiba para mapababa ang presyo ng pagkain

Mar Rodriguez May 3, 2025
69 Views

BILANG bahagi ng kaniyang adbokasiya upang matulungan ang mahihirap na mamamayang Pilipino, tiniyak ni 1-PACMAN Party List Representstive first nominee Mikaela Louise “Milka” Romero na pangungunahan nito ang mga inisyatiba at programa para mapababa at maging abot kaya ang presyo ng pagkain.

Pagbibigay diin ni Milka Romero, anak ni 1-PACMAN Party List Rep. Mikee Romero, na mahigpit nitong babantayan ang galawan ng presyo ng pagkain sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa upang matiyak na ito ay magiging abot kaya para sa mga ordinaryong Pilipino.

“Sasabihin nating magtatagumpay o successful na kung mahigpit nating babantayan ang presyo ng pagkain sa palengke para ito ay maging abot kaya para sa mga ordinaryong mamamayan,” pahayag ni Romero.

Sabi pa ni Romero na ang inisyatibang ito ang kaniyang ipagpapatuloy sa Kamara de Representantes upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na makabili ng murang pagkain bilang solusyon sa nararanasang kagutuman sa ating bansa.

Paliwanag pa ng batang Romero na ang abot kayang presyo ng pagkain ay kakambal ng maayos at tamang nutrisyon sapagkat kung mababa ang halaga ng mga pagkain sa mga palengke. Magiging maayos din ang nutrisyon at kalusugan ng mga Pilipino.

“Affordable food prices are twin elements of proper nutrition and healthcare for the people,” wika pa ni Milka Romero.

To God be the Glory