Romero1

Modernization ng FDA isinulong ng 1-PACMAN Party List Group

Mar Rodriguez Apr 18, 2023
172 Views

DAHIL naglipana sa iba’t-ibang pamilihan ang mga pekeng “beauty products” at mga pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan ng mamamayang Pilipino. Nais ng isang kongresista na magkaroon ng modernization sa Food and Drugs Administration (FDA) para ma-regulate ang pekeng produkto at “unhealthy foods”.

Dahil dito, hangad =nang 1-PACMAN Party List Group na isulong ang modernization ng FDA para epektibong magampanan ng naturang ahensiya ang kanilang tungkulin na tiyaking ligtas, malinis at may kalidad ang mga produktong pagkain at cosmetic products na tinatangkilik ng publiko.

Aminado ang Party List Group na karamihan sa mga pagkaing nabibili ngayon sa iba’t-ibang pamilihan ay matatawag na “unhealthy” o hindi nakabubuti sa kalusugan ng general pubic dahil sa pagkakaroon nito ng mga “preservatives”. Kung kaya’t napakahalaga ng papel na kailangang gampanan ng FDA.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 5697 na inihain ni 1-PAMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na naglalayong maisulong ang napapanahong modernization sa FDA upang ma-protektahan ang kapakanan at kalusugan ng general public.

Ipinaliwanag ni Romero na tinatag ang FDA na dating kilala bilang Bureau of Food and Drugs (BFAD) noong 1963 sa bisa ng Republic Act No. 3720 na inamiyendahan naman noong 1987 sa pamamagitan ng Executive Order No. 175 na dating kilala bilang “Food, Drugs and Devices and Cosmetic Act”.

Sinabi ni Romero na ang pangunahing tungkulin ng FDA ay ang monitoring, licensing at pag-regulate sa mga cosmetics (whitening soap at lotion), drugs (mga gamot na nabibili sa botika), pagkain, pesticides, medical products, vaccines at tobacco na tinatangkilik at binibili ng publiko.

Isinusulong ni Romero ang modernization sa FDA sa pamamagitan ng paglalagak ng mas malaking budget o pondo para sa nasabing ahneisya upang mas lalo nitong magampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Romero, nais nito na mabigyan ng limang daang milyon pisong (P500,000,000.00) alokasyon o Budget ang FDA na gagamitin naman para sa kanilang operation at administrative function na magmumula naman sa Department of Budget and Management (DBM).

“This House Bill seeks to provide modernization funding to FDA to guarantee the safety, quality, purity efficacy of products in order to protect and promote the right to health of the general public,” ayon kay Romero.