Calendar

Metro
MRT-3 may bagong ridership record
Jun I Legaspi
Jun 5, 2022
377
Views
NAKAPAGTALA ng bagong ridership record ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) noong Hunyo 3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, umabot sa kabuuang 368,565 na pasahero ang sumakay noong Hunyo 3, ang pinakamataas na bilang mula ng magbalik operasyon ito noong Hunyo 1, 2020 matapos ang ipinatupad na lock-down upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Patuloy rin ang pagbibigay ng libreng sakay sa MRT-3 na tatagal hanggang sa Hunyo 30.
Tumatakbo sa MRT-3 ang 14 hanggang 16 na tig-3 kotse na train set at apat na tig-apat kotse.
Ang bawat kotse ay kayang magsakay ng 394 pasahero.
Parusa vs 3 bus firms irerekomenda ng LTO
May 10, 2025
Magsabi ng ‘I love you’ sa ina sa Mother’s Day
May 10, 2025
Suspek sa gahasa nalambat sa Caloocan
May 10, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025