Calendar

Metro
MRT-3 nakapagbigay ng 18M libreng sakay
Jun I Legaspi
Jun 1, 2022
348
Views
MAHIGIT sa 18 milyong libreng sakay na ang naibigay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
Ayon sa MRT-3, nasa 18,069,523 pasahero na ang nabigyan ng libreng sakay mula noong Marso 28 hanggang noong Mayo 31, 2022.
Mula Marso 28 hanggang Abril 30 ay 8,472,637 pasahero ang nabigyan ng libreng sakay.
Nang palawigin ang programa mula May 1 hanggang 31, umabot sa 9,596,886 pasahero ang nakalibre ng sakay.
Muling pinalawig ng gobyerno ang programa hanggang Hunyo 30, 2022, ang huling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Noong una ay nagbigay ng libreng sakay bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3.
Parusa vs 3 bus firms irerekomenda ng LTO
May 10, 2025
Magsabi ng ‘I love you’ sa ina sa Mother’s Day
May 10, 2025
Suspek sa gahasa nalambat sa Caloocan
May 10, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025