Calendar

MRT magkakaroon ng free internet, contactless payment
MAGKAKAROON na ng mabilis at libreng internet at smarter technology gaya ng contactless payment gamit ang debit o credit card smartphone o e-wallet ang mga mananakay ng commuter trains.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, ito ang pinakabagong balita na gustong ipaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinag-aaralan na ang paggamit ng artificial intelligence (AI)-powered security screening system para mapabilis ang mga safety check sa mga train system ng Pilipinas.
Ipapatupad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang libreng wi-fi sa lahat ng Metro Rail Transit stations at kasunod pa ang pagbibigay ng libreng internet access habang nasa loob ng tren.
Nakikipag tulungan ang DICT sa mga telecommunication providers para makapagbigay ng mas malawak na bandwidth at mas maayos na internet coverage sa mga kritikal na transit zones.
Ayon sa Department of Transportation (DoTR), kapag naipatupad na sa mga MRT ang nasabing improvement maaaring ilunsad din ang programa sa LRT-1 at LRT-2 sa pamamagitan ng mas matibay na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan.