KBL

Mukhang kinakampanya na ni Ping Lacson si BBM

348 Views

MUKHANG lihim na kinakampanya ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Natuklasan kamakailan lang ng ilang mga mamamayan na si Lacson, na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo tulad ni BBM, ay mayroong mga pinamimigay na t-shirt na kung saan nakasulat ang pangalan ni Lacson sa ibabaw ng larawan ng tila watawat ng Bagong Lipunan na umiiral nuong panahon pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, ama ni BBM.

Matatandaang simula nang magtatag ng “martial law” si Pangulong Marcos nuong Setyembre 1972 hanggang sa matapos ang kanyang pangasiwaan nang Pebrero 1986, itinatag na rin ni Marcos ang tinatawag na Bagong Lipunan sa buong bansa. Simula nuon, ang talatang Ang Bagong Lipunan ay inilimbag sa lahat ng salaping papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nuong taong 1978, lumikha si Pangulong Marcos ng bagong lapiang pinangalangang Kilusang Bagong Lipunan o KBL. Si Marcos ang pinuno ng KBL, at ito ang naging lapian ng lahat ng mga tumatangkilik sa pamahalaan ni Marcos.

Bilang sagisag, pinili ng KBL ang watawat ng Pilipinas na mistulang nagwawagayway sa hangin. Dalawang larawan ng nasabing sagisag ng KBL nagmula sa internet ay makikita sa ilalim.

KBLKung ihahambing ang sagisag ng KBL sa nakalathala sa mga nasabing t-shirt na kasalukuyang ginagamit ni Lacson sa kanyang kampanya, kitang-kita na kahawig ng sagisag ng lapian ni Lacson and sagisag ng KBL. Ang larawan ng mga t-shirt ni Lacson, na kusang pinalalaganap ng kanyang kampo sa internet ay makikita sa ilalim.

PingMahirap paniwalaan na nagkataon lang ang pagkakahawig ng mga sagisag ng KBL at ni Lacson, sa dahilan na kapansin-pansin talaga ang pagkakahawig ng mga ito.

Sa kasalukuyan, nasa dakong hulihan si Lacson sa mga “survey” ng pulso ng taong-bayan ukol sa kanilang ihahalal bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan. Dahil dito, maraming mga mamamayang naghihinala na lihim at unti-unti nang pumapanig si Lacson kay BBM. Ayon sa kanila, kung sakaling tuluyan na matalo si Lacson sa halalan, maari pa siyang lumapit kay BBM at humingi ng tungkulin, kung si BBM ang magtatagumpay.

Si BBM ang nangunguna sa mga survey. Siya ay may 60% supporta sa mga boboto sa Mayo 2022. Mahirap habulin ng mga katunggali ni BBM and lamang ni BBM sa mga survey.