Basement

Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement

15 Views

ISANG naaagnas na bangkay ng lalaki noong Martes ang natagpuan sa basement ng bahay sa Block 19. Lot 6, Basil St., Hacienda Sta. Monica, Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City, Batangas.

Inilarawan ang bangkay na nasa 20-30-anyos, naka itim na T-shirt, itim na pantalon, slim ang pangangatawan at mga 5’4-5’5 ang taas.

Lumabas sa imbestigasyon na bumaba si Malcolm Vince Chau Costales, 20, residente ng nabanggit na lugar sa basement ng kanilang bahay para tingnan ang kanyang motorsiklo nang makaamoy ng masangsang na amoy na nagmumula sa stockroom.

Nakita niya ang isang lalaking naagnas na na nakahandusay sa sahig.

Sa pagsisiyasat sa tulong ng CCTV, bandang alas-10:00 ng umaga nakitang pumasok ang hindi nakikilalang biktima na tila may problema sa pag-iisip.

Bandang alas-2:30 ng hapon, uminom ang biktima mula sa isang plastik na bote at pagkaraan ng ilang minuto nagsimula itong manginig at tila hingal na hingal at nawalan ng malay.