Calendar
Naabot ng ekonomiya ng PH sa ilalim ni PBBM pinuri ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara
PINURI ng mga lider ng Kamara de Representantes, sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang naabot ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon umano ng positibong epekto sa buhay ng mga Pilipino sa gitna ng global conflicts at pagkagambala ng supply chain sa mundo.
Sa joint statement na inilabas isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, kinilala ng mga lider ng Kamara ang pagtatag ng ekonomiya ng Pilipinas na nakapagtala ng pinakamalaking paglago sa Southeast Asia.
“Under President Marcos’ leadership, our economy is thriving. We are seeing the highest growth rates in decades, which means more jobs and better opportunities for every Filipino,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.6% noong 2022 at 6.4% sa unang quarter ng 2023.
Ipinunto ng lider ng Kamara na positibo rin ang pagtingin sa ekonomiya ng bansa ng mga financial institution gaya ng World Bank.
Binigyan-diin naman ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang magandang epekto ng pag-unlad ng mga imprastraktura sa ilalim ng”Build-Better-More” program.
“Our infrastructure projects are transforming the landscape of our nation. They are not just roads and bridges; they are pathways to a brighter future for all Filipinos,” sabi ni Gonzales, ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.
Tinukoy ni Gonzales ang Luzon Spine Expressway Network na magpapa-ikli sa biyahe mula Ilocos hanggang Bicol sa siyam na oras mula sa 20 oras gayundin ang pagtatayo ng mga mega-bridge na mag-uugnay sa mga isla.
Binigyang diin naman ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ang kahalagahan na matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa hinaharap.
Ayon kay Suarez mayroong mga bagong planta ng kuryente na itinatayo at isinusulong ang paggamit ng renewable energy upang mapataas ang suplay sa bansa.
“The shift to renewable energy is a testament to our commitment to a sustainable and prosperous future. We are not just meeting today’s needs but also protecting the environment for future generations,” sabi ni Suarez.
Samantala, sinabi ni Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang dedikasyon ng administrasyon na matulungan ang mga nangangailangang Pilipino.
Tinukoy ni Dalipe ang pagbuhay sa Kadiwa outlet kung saan makabibili ng murang pagkain at ang inisyatiba sa pabahay gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino upang makapagpatayo ng mga murang pabahay.
“The Marcos administration is making sure no Filipino is left behind. From affordable housing to accessible food supplies, we are making tangible improvements in the lives of our people,” sabi ni Dalipe.
Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, na naiposisyon ni Pangulong Marcos ang Pilipinas bilang isang global investment hub.
Ayon kay Co nakasungkit ang bansa ng malalaking investment sa mga international economic mission at pagpapalakas ng relasyong diplomatiko sa mga malalaking bansa gaya ng Estados Unidos at China.
“Our proactive approach in international relations is paying off. The investments we are attracting are creating jobs and driving economic growth, securing a better future for our nation,” sabi ni Co.
Sa kabuuan, sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga polisiya at inisyatibang pang ekonomiya ni Pangulong Marcos ay nagdadala ng mahalaga at positibong pagbabago sa bansa, kaya ito ang nangungunang ekonomiya sa Southeast Asia.
“We are proud of the progress we have made, and we remain committed to building a stronger, more prosperous Philippines for all. Together, we will continue to rise and overcome any challenge,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.