Birth Source: PNA file photo

Nabibili ba ang PH citizenship?

139 Views

Tanong ng Blue Ribbon Committee

IS Filipino citizenship for sale?

Ito ang mariin tanong ni Blue Ribbon Committee chair Sen. Pilar Pia Cayetano, sa pagbubukas ng pagdinig Miyerkules kung saan ay pinamunuan niya ang pagkalkal ng mga umano’y pagkalat ng pagamit sa ilang dokumento ng gobyerno ng mga banyag gaya ng certificate of live birth (COLB), passport at tax identification number (TIN).

Sa pagbubukas ng pagdinig, March 13, 2024, sinabi ni Cayetano na lubhang nakababahala na nakakakuha ang isang foreign national ng legal identification at ilang dokumento ng gobyerno para magkaroon sila ng legalisasyon at maging Pilipino kahit ang mga ito ay maliwanag na peke.

“The question that I am about to raise is Philippine citizenship for sale and how much does it cost to become a Filipino citizen? It is sad that I have to ask that question but that is the effect of what we are seeing — Philippine citizenship is being sold. I hope we can help shed light on this and find solutions,” paglalahad ng senadora sa mismong pagdinig ng blue ribbon.

Inayunan din ito ni Sen. Sherwin Gatchalian at sinabing ang modus ay maaarig gamitin ng mga sindikato at kriminal mula sa ibang bansa dahil nga sa nakakakuha ang mga ito ng mga dokumento gaya ng Tax Identification Number (TIN) cards at Philippine National Police-issued identification cards ng walang kahirap hirap.

Sa naturang pagdinig, inilahad din ang paglaganap ng ilan dokumento na ginagamit ng mga foreign nationals, para makapagtrabaho sa Pilipinas sa ilalim ng industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Isinalaysay ni Gatchalian kung papaano niya mismo nakita kasama si Sen. Risa Hontiveros ang nagaganap na krimen sa loob ng tinatawag establisamento na kinilalang Smart Web Technology, na may provisional na lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Nagulantang umano sila sa dami ng nakitang dokumento tulad ng local TIN cards, Philhealth IDs, Certificates of Alien Registration, Alien Employment Permits at police clearances sa ginanap na raid kung saan ay nadiskubre din nila na ito ay ginagamit din sa ibat ibang krimen.

“All those people operating the facility held legitimate Philippine government IDs, making them legitimate people operating legitimate activities in Pasay City,” paglalahad ni Gatchalian.