Suspek Kinilala ni Police Lt. Col. Francis Balais ang suspek na natimbog sa pamumuno ni P/Lt. Ferdinand Omli sa farm sa Lipa City, Batangas.JONJON C. REYES

Nakabangga,nakapatay noong 2014, tiklo sa Lipa

Jon-jon Reyes Sep 6, 2025
304 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang 55-anyos na security guard sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Summit Point Avenue, Inosloban, Lipa City, Batangas.

Nakilala ang suspek na si alyas Danny, ayon kay Police Lieutenant Colonel Francis Balais, hepe ng Police Station 12.

Nahuli ang suspek bandang ala-1:00 ng hapon sa pamumuno ni Police Lieutenant Ferdiand Omli, hepe ng Intelligence and warrant subpoena section ng MPD.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at driving without license, ayon sa mga pulis.

Ayon kay P/Lt. Omli, nangyari ang krimen noong October 14, 2014 kung kailan nabangga ng suspect ang motor ng biktima. Namatay sa ospital ang biktima kaya nagtago ang suspek hanggang matimbog sa pinagtataguan niyang farm sa Lipa City, Batangas.