Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Rodriguez1

Nasunugan sa Pandacan hinatiran ng relief goods ni Ms. Rodriguez ng ACT-Agri Kaagapay

165 Views

HINATIRAN ng relief goods ng Act-Agri Kaagapay Organization ang may 360 individual na kabilang sa 160 pamilya na nasunugan sa Pandacan Maynila, noong Huwebes.

Kabilang sa relief goods na ipinamigay ng grupo ni Ms.Virginia Rodriguez ay kape, noodles, mineral water, sabon, alcohol, asukal, bigas at sadinas.

Ayon kay Ms.Rodriguez, naantig ang kanyang damdamin noong makarating sa kanya ang impormasyon hinggil sa masaklap na sinapit ng mga nasunugang pamilya sa residential area sa Dapo Street, West Zamora, Pandacan, Maynila.

Sinabi ni Ms.Rodriguez, agad siyang nagpunta sa grocery at namili ng kanyang maipamimigay sa mga nasunugan pamilya.

Aniya, sa kanyang maliit na kakayanan ay nais niyang makatulong at damayan ang mga nasunugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.

Labis naman ang pasasalamat kay Ms.Rodriguez ang mga nasunugan pamilya na nabigyan ng relief goods ng Act-Agri Kaagapay.

Si Ms.Rodriguez ay dating reporter na ngayon ay negosyante at philantropo.

Siya ang author librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasakang ang kanyang mga “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.