NBI Si NBI Director Jaime Santiago kasama ang suspek sa kasong kidnapping at homicide matapos maaresto sa Nueva Ecija.

NBI kinalawit suspek sa kidnap with homicide

Jon-jon Reyes Jun 3, 2025
29 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaki na may kasong kidnapping with homicide sa joint operation ng NBI Homicide Division sa Santa Rosa, Nueva Ecija noong Sabado.

Naaresto ang suspek na si alyas Jonathan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 215 ng Quezon City, ayon kay NBI director Jaime Santiago.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek matapos mapatunayang positibo ang info ng NBI sa NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) at NBI-Public Corruption Division (NBI-PCD).

Lumalabas sa info na may kinalaman ang suspek sa pagkamatay ng biktimang sina Christian Ortega at pag kidnap-for-ransom kay Gloria Ortega noong 2024

Natagpuan ang naaagnas na bangkay ni Gloria Ortega at narekober ng investigating team.

Ang imbestigasyon nauwi sa pagkakaaresto sa dalawang indibidwal, ayon sa NBI.

Noong Pebrero 21, 2025, naglabas ang korte ng warrant para sa pag-aresto kay Jonathan na sangkot sa krimen.

Natukoy ang lokasyon ng suspek sa Brgy. Liwayway, Sta. Rosa, Nueva Ecija na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Dinala ang suspek sa NBI main office sa Filinvest Cyberzone, Bay City, Macapagal Boulevard, Pasay City para sa standard booking procedures.

Pinuri ni Santiago ang mga ahente ng NBI sa matagumpay na operasyon na humantong sa pagkakaaresto kay Jonathan.