Calendar

NE pulis naglunsad ng QRT vs krimen, lumalabag sa batas ng eleksyon
CABANATUAN CITY–Pitong araw bago ang eleksyon, naka-full alert na ang mga pulis sa Nueva Ecija at activated na din ang mga quick reaction teams (QRTs) na binubuo ng mga babaeng pulis upang magsagawa ng nighttime patrol at mobile visibility operations.
Ayon kay Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino, pinamumunuan nina Majors Jane Dela Cruz at Carmela Bianca Herrera ang all-girl QRTs.
Magsasagawa ng roving at mobile patrol operations sa lungsod ang QRTs upang hadlangan ang mga kriminal, lalo na ang vote-buying at iba pang paglabag na may kinalaman sa halalan.
“Sa pamamagitan ng maigting na presensya ng pagpapatupad ng batas, ang ating mga pulis ay maaari ding makipag-ugnayan sa komunidad upang itaas ang kamalayan at hikayatin ang publiko na mag-ulat ng anumang kahina-hinala o ilegal na aktibidad,” sabi ng opisyal.